Lobby

September 18, 2009

one morning nagdeliver ako ng food sa dati kong office, ng papunta na ako ng lobby nakita ko si D syempre ako iiwas na kase magkagalit pa rin kami hindi pa rin kase kami in goodterm. Nagulat nalang ako ng tinawag nya ang name ko, iniwasan ko na kase sya. Lumapit na lang ako sa kanya at nag kiss and a little hug na rin. Asking me regarding sa travel agency. My replied “ah hindi ko na rin maremember sige I’ll text you kapag naalala ko sya nasa phone ko pa ata.” After that naghiwalay na kami. Funny lang kase hindi ko expected na mangyayari ito ngayon kase sa prayer ko hindi ko na sya sinasama (Lorn sana maging okey na po kami ni D, heal her heart for all the hurt that i give) and I told myself to forget D na and move on. Parang nawalan na ako ng patience to wait. Thanks God for giving us another chance for our relationship.

Posted by siram at 3:32 pm | permalink | comments[1]

Motibo

September 9, 2009

What is LOVE? When we talk about love never ending di ba? Very interesting topic especially sa mga girls na katulad ko. I will tell you some story, common story of love. Si (A) may gusto kay( B), simay GF pero sabi ni A hindi na daw in good term si B kay GF nya. Si A nagpakita ng motibo kay B na crush nya talaga si B, kaya itong si B naman sinamantala si A kase sino ba naman ang manok na tumanggi sa palay eh lumalapit na si palay di ba? Tapos itong si A halata na ng mga kaibigan nya na may gusto sya kay B tumatanggi pa at nagbitiw pa ng salita “Ayaw ko sa kanya kase hindi naman sya gwapo (true his na guawpo)!”. (Lokohin ba ang sarili!).After that hinahatid na sya ni B sa pag uwi at halatang halata kay A na gustong gusto nya si B. So kawawa naman si GF kase nasasalisihan ni A at wala na syang chance to workout yung realationship nila. Sabi kase ni A wala na daw GF si B kaya siguro nagpapahatid at nagpapaligaw na sya. “Kung ikaw yung GF ni B, What do you do kay A?” ah ewan hahaha. . . Ang masasabi ko lang ang sarap magkaboyfriend ng wala kang tinapakang relationship kase wala yong KARMA. Ito lang ang masasabi ko kung ano ang ginawa sa una kayang gawin sa pangalawa. . pangatlo and pang apat . . . By the way balik na tayo sa kwento, so naging sila na ni A. So far ng umpisa naging okey ang lahat good ang relationship nila . . . but later on A suffering kase may mga pagsubok na dumarating sa relationship nila. parang ganito ang story B told to girl na isip bata, tapos my point na si B admired some other girls sa harap ni A (aray ko!) tapos kase si A more ang love na binigay kay B kaya hinahayaan nya na yung restpect level bumababa. (girls wag kayong papayag na laitin kayo ng BF nyo, kailangan tayo ang laging maganda sa kanila,para sila kabahan, hindi tayo ang kinakabahan) kase kapag ganyan, bumababa din ang self esteem mo sa sarili mo. A love so much si B, then si B not enough sa love na binibigay ni A, siguro kase nga from the start alam na ni B na si A naman ang lumapit sa kanya so magsuffer sya ako ang pinili mo. Is that love? Yes ! thats the consequences of her love to him.

Posted by siram at 2:36 pm | permalink | Add comment

Jeep

Sept 7, 3:00pm going somewhere in quezon city to buy something, sobrang funny kase pagsakay ko ng jeep after a few minutes may sumakay ang dami nila tapos ng nakasakay na sila one of the girl discussed regarding Manalo’s libing, she said na wala daw sinabi sa libing ni former press Corazon Aquino kase ng nilibing daw si Cory yung himlayan nya sinimento pa samantalang yung kay Manalo daw ang ganda hindi na daw kailangan simentohin tapos paulit ulit nya sinasabi yon tapos ang dami nyang comparison between Corys burial and Manalos burial. Natatawa lang ako kase for me hindi naman dapat sya nagsasalita ng ganon in public. Bumababa na ako ng jeep tapos namili na ako sandali lang ako doon sa area then umuwi na ulit ako. During sa pag uwi ko sabi ko sa sarili ko magtataxi ako kase ang dami kong dala, eh syempre umiral ang pagiging kuripot ko nag jeep nalang ulit ako pauwi. Sa jeep ako ang fisrt passenger then after a few miles may sumakay na limang (5) lalaki, kinabahan ako kase yung isang lalaki sa tapat ko umupo tapos kinakausap nya ako sobrang kabado talaga ako “Lord please guide me safe” tapos binibigyan pa nya ako ng dalandan na kinakain nya, so hindi ko sya tinanggap. Buti nalang biglang may sumakay pa na mga pasahero tapos ng dumadami na kami medyo nawawala na yung takot ko. Buti bumaba na sila agad “Thanks God” yung pala hindi lang ako ang kinakabahan pati pala yung mga katabi ko, kaya ng bumaba silang lahat, lahat kami napahinga ng malalim. Nakakatawa lang kase everytime na nagkukuripot ako sa pag sakay sa taxi parati nalang ganito. Marami na kaseng bese na nangyari sa akin ito.

Posted by siram at 12:51 pm | permalink | Add comment

Promise

September 6, 2009

Promise to myself: 1. Sleep atleast 8 hours a day. 2. Eat balance diet food. 3. Drink lots of water. 4. Sleep early not laterthan 10:00pm. 5. Drink milk before going to sleep. 6. Reads more books. 7. Concentrate on business. 8. Stop thinking @%#^$*. 9. Increase my savings. and 10. Increase my sales.

Posted by siram at 12:53 pm | permalink | Add comment

Terrace

One morning nagising ako ng maaga, hinanap ko agad ang katabi ko kase past 3:45 am pa lang wala na sya sa bed namin. I was thingking na nagrestroom lang sya, so natulog na ulit ako, after an hour nagising ulit ako wala pa sya. I decided na tumayo na sa higaan ko then I saw him sa terrace (Balcony) nilapitan ko sya “what are you doing here its already 4:00 am?” hindi nya ako kinakausap. After that nagsalita ako sa kanya “what is your problem? We are here to help you? just tell me WHAT?” Nakita ko sya nanginginig na ang buong katawan nya, akala ko giniginaw lang sya. Tapos sabi nya sa akin “Hindi ko na kaya sobrang nakulong na ako ng mundo, wala na talaga akong pag asa”. My replied “ano ka ba have faith in God kung ano man ang pinag dadaanan mo ngayon, matatapos din yan.” Hindi sya mapakali para syang balisa na hindi nya alam ang gagawin nya. So that day I texted to my friend regarding spiritual counselor. I will called to that office then pimuntahan namin sya kase willing naman sya na maging maayos ang buhay nya. During that counseling the counselor told me that ang bigat ng pinagdadaanan nya nahihirapan pa nga syang mag open up, kaya ang ginawa ko prayover ko muna sya then pinasulat ko nalang sa kanya. After that session thanks God kase medyo nabawasan ang bigat sa dibdib nya. He told me that “hindi ako makapaniwala na may mga ganito pang institution or community na willing to help sa mga katulad nya”. I told him na “oo naman kase wag mong isarado ang mundo mo”.

Posted by siram at 12:59 am | permalink | Add comment

Sponsored Links

Message Board

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼

About Me

- Say something about yourself here -