Mar 23, 2009 “A” texted me, that time busy ako hindi ko nahahawakan ang phone ko kase nag aasikaso ako ng mga papers for the libing ni Grandma. “thanks sorry late ko na nabasa ang message mo at hindi ko nasagot ang tawag mo kase busy ako ang dami kaseng tao at ang dami ko ring dapat kausapin at asikasuhin” my replied “okey kelan ang libing?”she replied “Mamaya ng 2:00pm, kaya busy ako” my replied “Bakit hindi ka daw agad ako sumasagot sa text nila syo?” ang alam ko hindi ko na sya nareply kase nga busy ako. March 24, 2009 nagtext ako kay A “sa March 25 2:00pm ang libing kase mayhinintay pa kami ang daming tao nakakapagod, ngayon ko lang nahawakan ang phone ko” (“D” ginawa ko ito kase ayaw kong magkaroon kayo ng conflict with A kase pinayagan mo akong nagleave ng matagal, ayaw ko kaseng isipin nya na malakas ako syo. Sorry D!). Kaya pumasok na rin agad ako ng March 26, 2009, para walang masabi si A.
March 28, 2009 may sinabi sa akin si D “gaano mo kakilala si N? kase sa nakikita ko syo, hindi sya worth it para syo“ “I know her from the start kase masnakasama ko sya ng matagal N is PLASTIC, TSISMOSA, BACK FIGHTER at MANGGAGAMIT” may replied. Expected ko na yung sasabihin ni D sa akin kase sa mga parinig nya sa akin for the fast few days, alam ko na something happened na hindi ko alam at ako ang topic. BINGO ako nga ang topic (Thanks D for telling me the truth). Nalungkot ako at affected ako sa narinig ko kase ang babaw ng judgment nila sa akin. Tinalo pa nila yung mga kaibigan ko na matagal ko ng nakasama at nakatrabaho (Thanks D again sa pagsasaway mo sa kanila). Hindi ko pinakita kay D na affected ako, pero naiyak ako sa harapan nya, hindi ko na kase napigilan “hindi kase nila alam kung ano ang pinagdadaanan ko”yan lang ang nasabi k okay D sabay tulo ng luha ko. Alam ko na prepared si D sa mangyayari at sa magiging reaction ko (tatahimik lang ako at hindi ko sila kakausapin). After office D said to us “lakad tayo pa uwi, then kain tayo ng fish balll, “okey” my replied. Lakad lakad lakad . . . hala wala si Manong so meaning walang firsh ball so kawawa naman si L kase first time naming syang inayang maglakad at kumain ng fish ball kay Manong tapos wala pa hu hu hu how SAD. D said “Isaw nalang tayo sa UP (Mang Larry’s)” “okey pero sakay na tayo ng jeep D please” my replied. Happy food Isaw ni Mang Larry yahoooooo, sobrang busog kami. D decided to walk again until sa Central Gate Exit, sakit na ang paa ko pero okey lang enjoy naman. What an experience naligaw kami sa kalalakad at kakahanap ng labasan hu hu hu . . . balik kami sa Shopping mall what? . . . naligaw talaga kami. . .so hindi sumuko si D kailangan makita namin yon exit na yon, so far sa pagtitiyaga namin sa paghahanap ng way narating din namin thanks GOD nakauwi din kami. Pagdating ko sa house nag text agad ako kay D.
March 30, 2009 start na ng hindi ko pagsasalita sa kanila, wala akong ibang kinakausap except D. Naaparinig na sila syempre. . . hinayaan ko lang sila, lalo silang nagpaparinig ng kung ano ano lalo na si N (palengkera) sobrang pikon kase sila sa pananahimik ko.
Mar 25, 2009 6:00pm I decided to back to Manila para makapagreport na rin ako sa work. Much better na mayginagawa ako kesa nasa house lang ako. Ang hirap ng feeling na tinagago mo sa mga tao ang nararamdaman mo. Kapag mag isa na lang ako, doon ko lang nagagawang umiyak, ang sakit sobrang sakit (sana ako nalang). Everytime na naaala ko sya naiiyak nalang ako, wala akong magawa. Ang hirap ng pinagdadaanan ko that time.
March 26, 2009 my first day sa office I will try to be okey, pero there is a time na maaala at naiisip ko pa rin si Grandma. Kailangan kong maging STRONG kahit alam ko sa sarili ko na nahihirapan ako dapat ipakita ko sa mga tao na strong ako, kakayanin ko kahit wala na si Grandma. It’s not easy for me but I need to do this for myself. One of my friend visit me sa room ko “kumusta kana? Anong nagyari kay grandma mo?” ayaw ko na sana muna sagutin or kausapin kaso parang unethical naman. “I am okey naman, maraming tao ang nagpunta, nag uwian silang lahat, nakakapagod kase ako lahat halos ako ang nag asikaso”. After that pinutol ko na yung kwentohan kase hindi ko napigilan na umiyak. A and N my officemate nagpaparinig regarding sa hindi ko pagsagot sa mga text nila at bakit laging delay ang reply ko sa kanila. Ayaw ko na muna silang patulan kase lalo lang akong nastress ang sarili ko sa kanila. Nagfocus ako sa work ko pinili kong manahimik nalang muna, kase alam ko namang may time for that matter to discuss everything.(kaya nga si N nagdala ng food kase alam nya na papasok na ako at may dala rin akong food for them). Work work work work . . . . . I don’t want STRESS
March 21, 2009 10:17am I received text message from my sister “asan ka?anong ginagawa mo?” “nandito ako sa office, bakit?” my replied. After a few minutes I received text message again from Doc “kumusta kana? Asan kana? Tumawag ako sa Dada mo sabi ko ipasundo ka at uuwi ka sa province” my replied “ah okey wag na commute na lang ako ,dito pa ako office mga 6:00pm pa ako luluwas sa Lucena nalang ako matutulog” (hindi ko alam na sobrang “WORST” na pala ng situation ng Grandma ko, na kailangan ko ng magmadaling umuwi para maabutan ko pa sya ng buhay) I am still hoping na gagaling sya at malalampasan nya yon.
1:29pm received a call from my sister, ang lucky ko kase na dead ang battery ko both my mobile phone dead battery. I was trying to find charger to charge my phone but unfortunately wala akong nahiraman kase wala namang office that time (Sat) so walang tao sa office. Pag uwi ko sa dorm nagcharge agad ako ng nagopen ako ang daming message na pumasok 1st “Asan ka? pauwi na kami ng quezon kase patay na si Grandma” (para akong binuhusan ng malamig na tubig napaupo nalang ako sa floor at umiyak, “ang bilis ng pangyayari God bakit ganon?bakit si Grandma pa?nakiusap ako syo, kung kukuhain mo na sya kung pwede after na lang ng b-day nya. hindi mo ako pinakinggan?”)2nd “Ineng umuwi kana at patay na si Grandma mo, pray for her soul, baka umuwi din ako, papunta na ako sa airlines to buy ticket” 3rd “Asan ka ba ha? Bakit patay ang phone mo? Wag kang umalis sa dorm mo at susunduin kayo dyan?” 4th “be strong ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo pupunta din dyan. God bless” 5th “cutie asan ka ba ha? Okey ka lang ba dyan? Bakit nakapatay ang phone mo? Papunta na kami dyan wag kang aalis” 6th “okey lang yon kesa makita mo sya ng nahihirapan, masmasakit yon. Be steadfast” 7th “uwi na please” ang daming message halos hindi ko na alam kung sino sino sila.Ang alam ko lang kailangan ko ng umuwi sa province that time, at etext si “D”, so nagtext ako kay “D”. After a while nag ring na ang phone ko (my sister calling) “dead batt ako kaya naka off ang phone ko sige mag aayos na ako ng gamit ko. Asan na kayo? Ingat ! Bye” my replied. Mixed emotion takot, galit at awa sa sarili ang naramdaman ko that time.
During my travel going to Quezon, I told to myself sana maaksidente kami tapos ako lang ang sugatan at patay para makasama ko na si lola. Weird pero that’s true, wala na akong dahilan na mabuhay pa kung wala na rin naman yung tao na INSPIRATION ko.
Burial days, 1st time ng nakita ko yung tent sa labas ng bahay namin at ang daming tao sa loob at labas ng bahay. Papasok ba ako o hindi kase para sa akin panaginip lang eto. I saw the white coffin inside my house the lights and flowers. Speechless . . . ganito pala ang feeling kapag actual na . . .nilapitan ko sya . . . hindi ako na iyak kase ng nakita ko sya ang ganda ng ngiti nya sa akin at sobrang fresh ng hitsura nya, parang hindi sya patay, parang gusto nyang sabihin sa akin “don’t worry okey na ako Apo”. Naubos na ata ang luha ko, kase sa Manila pa lang umiiyak na ako. Kaya from first to last hindi ko nagawang umiyak or siguro kase nagging busy din ako sa mga bagay na dapat kong asikasuhin kase sinabi ko sa kanya na ako mismo ang mag aayos ng libing nya, ako ang hands on sa lahat, ako ang nagluluto, nagseserve ng food, nag gogrocery, nag ayos sa hospital, munisipyo, church, sementeryo etc. Ginawa ko nalang busy ang sarili ko during that time. Even my friends na nagpunta sa house hindi ko rin sila naasikaso kase ayaw kong pag usapan si Grandma. Yung mga officemate ko na nagtext at tumatawag sa akin hindi ko na rin sila pinansin. (thank you for the effort).Even my family at kamag anak namin sorry kung hindi ko kayo napagbigyan ng pansin that time. (I hope you will understand me)
After all this things happened, I chose being alone, I am not ready na pag usapan ang nangyari. Naging busy ako sa mga bagay na dapat asikasuhin. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko, gusto ko ng maging normal ang lahat after all. Before akong makipag usap sa mga tao, ayaw ko ng kalat kalat ako.
March 19, 2009 my sis YM me, we talk about our Lola’s b-day party on April 5, saan yung place ng party, anong menu, sino ang mga bisita etc…everytime we talk about our lola’s lagi naming sinasabi “Ang tanda na ni Lola 91 years old na sya at wala syang sakit or any maintenance na gamot at walang bawal na food sa kanya in short “Healthy” .
March 20, 2009 my sister calling me “Asan ka? Musta kana? Anong ginagawa mo?” I said “dito sa office”. Reply nya lang “Ah okey”. Hindi ko na naisip kung bakit sya tumawag sa akin that time, normal naman sa aming magkakapatid na nagtatawagan or nagtetext to get in touch. Around 8:38pm nag online ako ,that time online din ang sister ko.Nag usap kami sa YM , ang topic namin yung brother namin na umalis going to other country, yung baby naming at yung mga plan namin sa buhay. . . after that conversation sabi nya tumawag daw sya kay Dada (Father) sa province sabi daw ng Dada ko si Grandma may sakit na, but don’t worry she’s fine. (I know nag sisinungalin sya (my sister)). So that conversation I make story na rin to my sister “sis hindi ako nakakatulog ng maayos in the fast few days kahit anong gawin ko (drinking warm milk, earobics, jogging, reading ect. .), sis try to call again kaya sa province ask them kung ano na talaga ang nangyayari kay Grandma?” sisters reply “yon nga daw may sakit nga daw” I told her sige ganito nalang try kong magpaalam kay Ms. “D” kung papayagan nya akong magleave ng matagal to take care Grandma. Tapos uwi na ako this weekend sa province”. After that conversation Doc calling me “Ening kumusta kana? Anong ginagawa mo? Umuwi ka sa province at bantayan mo muna si Grandma” “What? Ano ba ang nangyayari kay Grandma?” my replied.Biglang naputol ang line so hindi na natapos ang usapan namin. Binalikan ko si sister sabi ko sa kanya yung pinag usapan namin ni Doc so nag decision na ako na umuwi ng province after may office tom (Sat March 21) nagpaalam lang ako kay “D” one week akong magleave at nagcommute na lang ako pauwi ng Quezon. During that conversation with my sister sinabi na nya ang totoo sa akin “two weeks ng hindi kumakain si grandma ng solid, liquid na lang ang kinakain nya at minsa ayaw ng kumain . . . naghihina na sya kase hindi na rin sya nakakausap” . . . . . hindi ako nakapag salita that time parang kinain ako ng monitor ng laptop na gamit ko . . . I don’t have choice, I need to accept the fact . . .the TRUTH. . . I prayed to GOD (I think that the best prayer na nagawa ko for my whole life).That night I know na pinakinggan nya ako I know everything will be fine.